Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.
Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao.
Wala akong isinisisi sa magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.
Walang imposible sa taong naniniwala.
Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi sila yung ‘iba’ na yon, wala silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay lang ang lahat sa ‘iba’, yung hindi nila katulad.
Paano kaya kung naging guro mo rin ang naging guro ng labindalawang disipulo sa Bible?
Hindi ko alam kung bakit ka namin kailangan? – sa parehong paraan na hindi rin alam ng halaman kung bakit kailangan niya ng lupa.
Maraming bagay ang mahal kapag wala kang pera.
Namangha rin kami sa illustration ng female reproductive system. Korteng sungay! At doon ang pabrika ng mga bata? Whoa! Information overload!
Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw ’yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.
Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang – katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang – sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.
Hindi ka niya lalapitan kung wala siyang kailangan at hindi ka niya lulubayan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.
Hindi mo ba alam na mas marami tayong kaibigan na hindi nakikita kumpara sa nakikita?
Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n’ya ay “to exorcise the demon in me.” Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.
Sino nga ba ang misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba?
Mas makatwiran ba ang panlalamang kung mas mahirap ang tao? Saan nanggagaling ang ganoong pagnanasang makapanloko ng kapwa?
Bilang guro, hindi ka dapat manguna sa mga naniniwalang hindi lahat ng tao ay may kapasidad matuto. Sumasalamin lang ito sa kapasidad mong magturo.
Bakit mo sinasagot ng tanong ang tanong ko?
Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay.
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong ’di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
Hindi ko alam kung alin ang mas mahapdi: ang mawalan ng minamahal, o ang makilala s’ya nang lubos kung kailan huli na ang lahat.