Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Walang pakealam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Di naman iiyak ang mundo sa isang tao lang...
Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa ’ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.
Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.
Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ’yan ng tao!
Pilipino ako, sapat nang dahilan ’yon para mahalin ko ang Pilipinas.
Lahat ng mga salitang yan may dating sa’yo. Sabi kasi ng isip mo.
At least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong.
Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.
Nakayanan n’yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n’yang lumipad.
Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?
Sino nga ba ang learning disabled, ‘yung mga hirap mag-aral o ’yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ’yung pangalawa?